|
||||||||
|
||
Makaraang matuklasan ang kalagayang epidemiko sa Xinfadi Wholesale Market sa Beijing, agad itong isinailalim sa lockdown para isagawa ang closed-style management.
Matapos ang 2 linggo, tapos na ang pagdidisimpekta sa loob ng pamilihang ito. Ngunit dahil hindi pa natitiyak ang tunay na pinagmulan at sanhi ng pagkaganap ng epidemiya, kailangang manatili pang sarado ang beef at mutton hall sa ilang panahon.
Sa kabilang dako, muli nang binuksan ang ang ibang mga rehiyon ng nasabing pamilihan.
Magkakasunod na nakabalik kamakailan sa Xinfadi Wholesale Market ang mahigit isang libong negosyante.
Mga negosyante sa Xinfadi Wholesale Market
Bagama't malaki ang kapinsalaang pangkabuhayan na idinulot ng epidemiya sa mga negosyante, lipos pa rin sila ng kompiyansa para sa kinabukasan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |