Sa isang preskong idinaos sa Beijing nitong Huwebes, Marso 12, 2020, ipinahayag ni Li Yi, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng mga Dayuhang Suliranin ng Pamahalaang Panlunsod ng Beijing ng Tsina, na sa paunang kondisyon ng paggarantiya sa pangangailangan ng pagkontrol at pagpigil sa epidemiya sa sariling lunsod, magbibigay ang Beijing ng mga medikal na materiyal sa apat na dayuhang lunsod na kinabibilangan ng Tehran, Tokyo, Seoul, at Yokohama para tulungan sila sa pakikibaka laban sa epidemiya ng COVID-19.
Salin: Lito