Sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina Martes ng umaga, Hulyo 14, 2020, sinabi ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang Tsina at Amerika ay mahalagang trade partner ng isa't isa, at may mutuwal na kapakinabangan at win-win result ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng kapuwa panig. Aniya, sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), sinusunod pa rin ng Tsina ang pangako nito, at ipinapatupad ang kasunduang pangkalakalan.
Ayon sa datos ng adwana, noong unang hati ng kasalukuyang taon, 1.64 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Amerika, at ito ay bumaba ng 6.6% kumpra sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, 1.25 trilyong yuan RMB ang pagluluwas sa Amerika, na bumaba ng 8.1%; 395.62 bilyong yuan naman ang inangkat mula sa Amerika, na bumaba ng 1.5%. 851.74 bilyong yuan RMB ang trade suplus, at ito ay bumaba ng 10.8%.
Dagdag ni Li, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ay may napakahalagang katuturan para sa pangangalaga sa katatagan ng kabuhayan ng Tsina at Amerika, at pagpapasulong sa paghulagpos ng kabuhayang pandaigdig sa epekto ng pandemiya sa lalong madaling panahon.
Dapat likhain ng panig Tsino't Amerikano ang kondisyon at atmospera, at magkasamang ipatupad ang phase one trade deal, aniya.
Salin: Vera