|
||||||||
|
||
Hinimok sa pahayag Hulyo 15, 2020, ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang Amerika na huwag nang ipatupad ang Hong Kong Autonomy Act, agarang itigil ang pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina, kabilang ang mga suliranin ng Hong Kong. Binigyan-diin din sa pahayag na kung ipagpapatuloy ng Amerika ang mga aksyong ganito, isasagawa ng Tsina ang malakas na kaparusahan o sanction.
Isinabatas kamakailan ng Amerika ang Hong Kong Autonomy Act. Bilang tugon, tinukoy ng Tsina na ang aksyong ito ng Amerika ay malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at naki-alam ito sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina. Buong tatag na tinututulan at mahigpit na kinokondena ito ng Tsina.
Binigyan-diin sa pahayag na ang Hong Kong ay espesyal na rehiyong administrasyon ng Tsina. Ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina at walang anumang puwersang dayuhan ang may karapatang makialam dito. Matatag ang kapasiyahan ng Tsina na pangalagaan ang kaligtasan ng soberanya ng bansa at kasaganaan ng Hong Kong. Tiyak na isasagawa ng Tsina ang sangksyon sa Amerika para mapangalagaan ang makatuwirang karapatan ng sariling bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |