Ipinahayag nitong Martes, Hulyo 14, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tinding tinututulan ng panig Tsino ang pagbebenta ng panig Amerikano ng mga sandata sa Taiwan. Ipinasiya aniya ng panig Tsino na isagawa ang kinakailangang hakbangin para mabigyang-sangsyon ang Lockheed Martin, pangunahing kontraktor sa arms sale sa Taiwan.
Ayon sa ulat, ipinahayag ng Defense Security Cooperation Agency (DSCA) ng Kagawaran ng Tanggulang Bansa ng Amerika na naaprobahan na ng Kagawaran ng Estado ng bansang ito ang muling pagbebenta ng Patriot Advanced Capability-3 missiles sa Taiwan na nagkakahalaga ng 620 milyong dolyares. Ang Lockheed Martin ay pangunahing kontraktor sa pagbebentang ito.
Salin: Lito