Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Matatag ang kalakalang panlabas ng Tsina; dinulot nito ang kompiyansa para sa daigdig

(GMT+08:00) 2020-07-15 16:35:52       CRI

Unti-unting nagiging matatag at mabuti ang kalakalang panlabas ng Tsina noong unang hati ng 2020, ayon sa estadistika na isinapubliko Hulyo 14, 2020, ng General Administration of Customs ng Tsina.

Ipinakita nitong nagkakabisa ang pagsisikap ng pamahalaang Tsino sa pagpapatatag ng kalakalang panlabas.

Sa ilalim ng dobleng presyur ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at balakid sa globalisasyon, hindi madali ang pagtatatag ng kalakalang panlabas ng Tsina. Sa isang dako, mabilis na tinugunan ng Tsina ang pandemiya ng COVID-19 sa loob ng bansa, at pinanumbalik ang pagpoprodyuse, pinataas din ang pag-luluwas. Sa kabilang dako, nadagdagan ng malaki ang pangangailangan sa mga paninda ng materyal ng pagpigil ng COVID-19, at "home-bound economy". Kasabay nito, pinapatingkad ng transnasyonal na e-commerce ang mahalagang papel. Bukod dito, nagkaroon ng benepisyo ang kalakalang panlabas mula sa patakaran ng pamahalaang Tsino.

Kumakalat ngayon ang COVID-19 sa buong mundo. Naging mahina ang kabuhayang pandaigdig, at umiiral pa rin ang mga di-matatag na elemento na kinakaharap ng Tsina, mahigpit pa rin ang kalagayan ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa huling dako ng 2020.

Pero, ang mga estadistika ay lubos na nagpakita na di magbabago ang mabuting tunguhin ng kalakalang panlabas ng Tsina. Mayroong kakayahan ang Tsina na patatagin ang kalakalang panlabas, at patuloy na magbibigay ng ambag para sa pagpapasulong ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig at globalisasyong pangkabuhayan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>