Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Huling round ng "Chinese Bridge" Competition-Philippine Division, ipininid

(GMT+08:00) 2020-07-12 15:15:30       CRI

Ipininid Sabado, ika-11 ng Hulyo, 2020 ang huling round ng Philippine Division ng ika-19 na "Chinese Bridge"-Chinese Proficiency Competition for Foreign College Students.

Labinlimang (15) estudyanteng Pilipino ang sumali, at nakuha ni Jessa Leigh T. Bugarin mula sa Confucius Institute ng Angeles University Foundation (AUF) ang unang puwesto.

Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Huang Xilian, Embahador Tsino sa Pilipinas, mahalaga ang nasabing kompetisyon para sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas. Umaasa aniya siyang magiging sugo ng pagkakaibigan ang lahat ng mga kalahok na estudyante.

Ang pinal na round ng kompetisyon ay kinabibilangan ng 4 na bahagi: Quiz Bee, Impromptu Speech Topic:" One World, One Family," Talent Showcase, at Freestyle Final Message.

Dahil sa epekto ng Novel Coronavirus disease (COVID-19), ang nasabing kompetisyon ay idinaos sa pamamagitan ng online na plataporma.

Ito ay inorganisa ng Confucius Institute ng AUF.

Salin: Ernest
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>