|
||||||||
|
||
Kasalukuyang ginagamot sa Tsina ang tatlong tripulanteng Pinoy, makaraang mag-positibo ang resulta ng kanilang nucleic acid test.
Kinumpirma ng Komisyong Pangkalusugan ng probinsyang Jiangsu ng Tsina, ang isang bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 mula sa ibang bansa, sa lunsod Lianyungang nitong Hulyo 16, 2020.
Ang pasyente ay isang tripulanteng Pilipino. Hulyo 1, sakay ng barko ng Greek, lumisan siya ng Port of Manila. Hulyo 13, nagkaroon siya ng banayad na ubo. Makaraang dumaong ng Lianyungang Port noong Hulyo 14, sumailalim siya sa nucleic acid test at nagpositibo ang resulta. Pagkatapos nito, inihatid siya sa designated hospital para maisagawa ang kuwarantina at magpagamot.
Ayon pa sa ulat, mula noong Hulyo 16 hanggang 17, 2020, sa proseso ng pagsusuri ng Adwana ng Yantai, probinsyang Shandong ng Tsina, sa dayuhang cargo ship, nagpositibo ang resulta ng isinagawang nucleic acid test sa dalawang Pilipinong seamen. Ang naturang barko ay lumisan mula Guinea at dumaan ng Pilipinas, bago dumating ng Yantai West Port.
Hapon ng Hulyo 17, inihatid ang nasabing dalawang tripulanteng Pilipino sa designated hospital para magkuwarantina at magpagamot. Ang natitirang 18 tripulante (pawang mga dayuhan) ay nananatili sa barko para ikuwarantina at bantayan.
Salin: Lito
Pulido: Mac / Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |