Ipinahayag Hulyo, 20, 2020, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng World Health Orgnization (WHO) na, bukod sa pagpapabilis ng pananaliksik sa bakuna at panggagamot, dapat tiyakin din ang patas na pagkaloob ng bakuna sa mga tao na posibleng hindi maaaring makakuha ng bakuna para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Kasalukuyang inaayos ng WHO ang framework ng pagbabahagi at malapit na itong matapos. Para isakatuparan ang pantay na pagbabahagi ng bakuna at pagkuha ng bakuna ng mga mahihirap na populasyon, ang pangakong pulitikal ay napakahalagang elemento, ito rin ay tanging paraan ng pagsasakatuparan ng pantay na pagbabahagi ng bakuna, saad niya.
Tinukoy ni Tedros na mas maraming bansa ang sumusuporta sa mungkahi na gawing pampublikong produkto ang bakuna. Pero tumatahak ang iilang bansa kabilang direksyon.
Binigyan-diin ni Tedros na ang benepisyo ng pantay na pagbabahagi ng bakuna ay maaaring sama-samang matugunan ng mundo ang COVID-19 pandemic na mauuwi sa mabilis na muling pagbangon ng kabuhayang pandaigdig sa bandang huli.
Salin:Sarah