Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkabigo ng Amerika sa COVID-19, kagulat-gulat na krisis sa daigdig — The Washington Post

(GMT+08:00) 2020-07-21 14:20:08       CRI

Bunsod ng pagtalikod sa World Health Organization (WHO), pagpilit ng balik-eskwela sa mga paaralan, di pagpapahinto ng mga rali, pagduda sa mga eksperto ng pampublikong kalusugan, at ibang serye ng hakbangin ng pamahalaang Amerikano, pagpasok ng kasalukuyang Hulyo, lumalala ang magulong situwasyon ng pakikibaka sa loob ng bansang ito laban sa COVID-19. Ito rin ay nagdudulot ng matinding negatibong epekto sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa buong mundo.

Kalye ng Amerika nitong Hulyo (Photo Source: Washington Post)

Nitong Lunes, Hulyo 20, 2020 (local time), lumabas sa "Washington Post" ang artikulong pinamagatang "Nakakasindak na krisis sa daigdig: Reaksyon ng Amerika sa COVID-19."

Anang artikulo, sa loob ng ilang buwan ng paglaban sa epidemiya, nakontrol ito ng maraming bansa. Ngunit sa Amerika, hindi napigilan ang pagkalat ng corona virus. Sa harap ng epidemiya, nagkahiwa-hiwalay ang paninindigan ng iba't-ibang estado ng buong Amerika, at lipos sila ng kapootang pulitikal at pagsasarili. Direktang inihayag ng artikulo na ipinakikita ng pamahalaang Amerikano ang napakalaking pagkabigo nito sa aspekto ng paglaban sa epidemiya.

Ayon sa artikulo, di aksidente ang di pinag-isipang paghawak ng Amerika sa corona virus. Anito, ang pagkabigong ito ng pamahalaang Amerikano ay nagbubunyag ng kawalang-pagsunod sa pamumuno ng bansang ito. Ang polarisasyong pulitikal, kakulangan sa pamumuhunan sa usapin ng pampublikong kalusugan, at patuloy na pag-iral ng di-pantay na lipunan, kabuhayan, at lahi, ay nagdudulot ng pagkahawa ng ilang milyong mamamamyan at pagkamatay ng mahigit 100 libong mamamamayan nito.

Ipinahayag ng eksperto ng pampublikong kalusugan na ang pinakamalaking nagawang kamalian ng pamahalaang Amerikano sa pagharap sa epidemiya ay labis na maagang pagpapanumbalik ng kabuhayan habang napakabilis pang kumakalat ang corona virus sa bansang ito.

Bukod dito, ayon sa "Washington Post," bago sumiklab ang COVID-19, napinsala nang malaki ang mga organo ng pampublikong kalusugan sa ilang bahagi ng Amerika dahil sa kakulangan sa tauhan at pagbabawas at pagtanggal ng badyet nitong mga taong nakalipas.

Ipinahayag ng Asosasyon ng mga Opisyal na Pangkalusugan ng Amerika na mula noong taong 2008, halos 60 libong tauhang medikal ang nawalan ng trabaho na katumbas ng halos 1/4 lakas manggagawa. Nabawasan din ng 30% ang emergency budget ng Centers for Disease Control and Prevention ng Amerika mula noong taong 2003.

Ayon pa sa "The Daily Beast," isang American news website kamakailan, iminungkahi ng isang di-bukas na dokumento na dapat isagawa ng ilampung estado ng Amerika ang mas mahigpit na hakbangin ng pagpigil sa epidemiya na kinabibilangan ng pagbabawal ng pagtitipun-tipon ng 10 tao pataas, pagsasara ng mga bars at gym, at paghiling sa mga mamamayan na magsuot ng face mask.

Ngunit isiniwalat ng "The Daily Beast" na itinatago ang nasabing dokumento sa loob ng pederal na pamahalaang Amerikano sa halip ng pagpapalabas sa publiko.

Sinabi ni Ashish Jha, Puno ng Harvard Global Health Institute, na mabuti ang ilang mungkahi ng dokumento. Ngunit bakit itinatago ng pamahalaang Amerikano ang mga impormasyong ito sa mga mamamayan nito?

Ipinalalagay aniya niyang dapat agarang i-update ang mga kaukulang impormasyon at isapubliko ang mga ito araw-araw.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>