|
||||||||
|
||
Dahil dito, napansin ng mga mamamayan ng Kazakhstan ang biolohikal na laboratoryo ng Amerika sa bansa.
Ang biolohikal na laboratoryo ng Amerika na nasa Almaty ay itinatag noong 2010, sa pamamagitan ng 60 milyong dolyares na pondo.
Noong panahong iyon, ipinatalastas ng Amerika na ito ay biolohikal na laboratoryong may pinakamalaking saklaw sa buong Gitnang Asya, at ang gawain nito ay pananaliksik at pag-iimbak ng mapanganib na virus.
Ayon sa isang artikulong ipinalabas Hulyo 11 sa Stanradar, website ng Kyrgyzstan, ang Amerika ang totoong may-ari ng biolohikal na laboratoryo sa Kazakhstan.
Sinabi sa ulat na ang Kazakhstan ay natural site ng pagsubok sa mga virus.
Malapit ito sa Rusya, Tsina, Kyrgyzstan at Uzbekistan.
Kung magkakaroon ng leak ng virus, sadya o di-sadya, mabilis na kakalat ang virus sa naturang mga bansa.
Ipinahayag din ng Sputnik News Agency & Radio ng Rusya na itinatag ng Amerika ang mahigit 200 biolohikal na laboratoryo sa buong mundo, at ilan dito ay matatagpuan sa Ukraine, Georgia, Armenia, Kazakhstan, Afghanistan at iba pa.
Ipinalalagay ng pamahalaang Ruso na sinisikap ng Amerika na pagtakpan ang totoong layon nito sa pagtatatag ng mga biolohikal na laboratoryo sa buong daigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |