|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Hulyo 21, 2020, inilathala ng pahayagang "Financial Times" ng Britanya ang artikulo ni Carolyn Fairbairn, Direktor Heneral ng Confederation of British Industries (CBI), na pinamagatang "Di-makakayanan ng Britanya ang epekto ng pagkalas sa Tsina."
Tinukoy ng artikulo na napakahalaga para sa Britanya ng kalakalang Sino-Britaniko. Sa kasalukuyan, nahaharap ang Britanya sa kahirapan ng pandemiya at kawalang-trabaho. Kung kakalas sa Tsina sa panahong ito, posibleng di-makakayanan ang resultang dulot nito.
Anang artikulo, dapat pag-isipang mabuti ng pamahalaang Britaniko ang magiging kapalit ng pagkalas sa Tsina, at itatag ang mainam na partnership na pangkalakalan sa Tsina, batay sa pangmalayuang pananaw.
Sa tingin ni Fairbairn, bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, ang Tsina ay pinakamalakas na makina ng paglago ng kabuhayang pandaigdig. Ito rin ay nagbibigay ng maraming hanap-buhay sa Britanya.
Kaugnay ng ban ng Britanya sa Huawei Technologies Co. Ltd, telecommunication giant ng Tsina, nanawagan siyang dapat linawin ang magiging kawalan dahil sa aksyong ito, at dapat magkaroon ng isang backup plan na may malawakang komong palagay.
Anang artikulo, ang pagtatatag ng tumpak na relasyon sa Tsina ay mahalagang pagsubok sa target ni Punong Ministro Boris Johnson ng Britanya sa pagtatatag ng may globalisasyong Britanya. Kung hindi maayos na hahawakan ng bansa ang relasyon sa Tsina, sasamantalahin ng mga kaukulang panig ng ibang bansa ang pagkakataon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |