|
||||||||
|
||
Mahigpit na kinondena at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pakiki-alam ng Britanya na nakapipinsala sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
Ipinahayag ito Hulyo, 20, 2020 ng Tatagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Britanya. Sinabi niya na sa kabila ng paninindigan ng Tsina at pagpapadala ng solemnang representasyon, linabag ng Britanya ang pandaigdigang batas at pundamendal na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, nanghimasok sa pagpapatupad ng National Security Law ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at ito'y pakiki-alam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Ayon sa ulat, ipinahayag Hulyo, 20,2020 ni Dominic Raab, Ministrong Panlabas ng Britanya, na dapat agarang itigil ng kanyang bansa ang extradition treaty sa Hong Kong, at ipagbawal ang pagluluwas ng kaukulang sandata sa Hong Kong.
Hinggil dito, sinabi ng Tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Britanya na matatag ang kapasiyahan ng Tsina sa pagpapatupad ng National Security Law ng Hong Kong, pangalagaan ang soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa, at tutulan ang anumang pakiki-alam mula sa ibayong dagat. Tiyak na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang ganting hakbang kaugnay nito.
Binigyan-diin ng Tagapagsalita na ang National Security Law ng Hong Kong ay mahalagang paninindigan na gumagarantiya sa katatagan ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema", at kasaganaan at katatagan ng Hong Kong. Tiyak na tututulan ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino, na kinabibilangan ng mga taga-HK ang anumang aksyon na hahadlang sa naturang batas at hindi magtatagumpay ang aksyong tulad nito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |