|
||||||||
|
||
Malaking nadagdagan kamakailan ang mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa mga bansang Europeo .
Dahil dito, sunud-sunod na isinasagawa ng mga bansang tulad ng Britanya, Pransya, Alemanya, Austria at iba pa ang mas mahigpit na hakbangin sa paglaban sa COVID-19.
Ayon sa Reuters, ipinatalastas Hulyo 25, 2020 ng Britanya na inalis nito ang Espanya mula sa listahan ng mga lugar kung saan ligtas ang paglalakbay, dahil sa paglubha ng epidemiya.
Totoong ang Espanya ay isa sa mga bansa na nakakaranas ng pinakamahigpit na epidemiya ng COVID-19, pero, mas malubha ang kalagayan sa Britanya.
Hanggang sa kasalukuyan, mahigit 300 libong katao ang nahawahan sa Britanya at mahigit 45 libong namatay.
Sa Alemanya, ipinahayag Hulyo 25 ng Das Robert Koch-Institut, organo sa paglaban sa epidemiya ng Alemanya, na tumaas sa mahigit 800 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 bawat araw sa Alemanya.
Samantala, sa Austria, patuloy rin ang paglala ng kalagayan..
Sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa rin ng Pransya ang compulsory nucleic testing sa mga turista mula sa 16 na high-risk countries na kinabibilangan ng Amerika, Brazil at iba pa.
Ayon pa sa ulat, Hulyo 26 ng Agence France-Presse, ipinalabas Hulyo 25 ng Italy ang mas mahigpit na hakbangin sa paglaban sa COVID-19 tungo sa Campania, rehiyon sa katimugan ng bansa.
Ayon pa sa Reuters, base sa estadistika na ipinalabas ng mga bansa, nahigitan na ang record ng single day reporting ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa halos 40 bansa at rehiyon noong nakaraang linggo, at ito ay 2 beses na mas mataas kumpara sa dating datos.
Ipinakikita ng ilang pag-analisa na kasabay ng pagpapaluwag ng mga patakarang tulad ng isolation o lockdown, lumilitaw ang ikalawang outbreak ng COVID-19 sa maraming bansa.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |