Sa preskong idinaos nitong Huwebes, Hulyo 2, 2020 (local time) ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ni Soumya Swamiathan, punong siyentista ng WHO, na sa kasalukuyan, mahigit 60 libong genome sequence ng corona virus ang naibahagi ng mga bansa sa buong daigdig para pag-aralan ng mga siyentista ang mga ito.
Tinukoy niya na noong nagdaang Enero, naunang ibinahagi ng Tsina ang genome sequence ng corona virus. Batay sa nakuhang datos mula sa nasabing genome sequence, nagsimulang subukin-yari ang unang posibleng bakuna mula noong Enero ng kasalukuyang taon, aniya pa.
Salin: Lito