Ipinahayag nitong Sabado, Agosto 1, 2020 ni Rui Baoling, Puno ng Sentro ng Pagpigil at Pagkontrol sa Epidemiya ng Urumqi, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, na noong Hulyo 31, bumaba ng ilang digri ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso at asymptomatic coronavirus carriers sa lunsod.
Sa kabila nito, inamin niya na nananatili pa ring masalimuot at mahigpit ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa buong lunsod.
Hindi dapat paluwagin ang mga kaukulang gawain ng pagpigil at pagkontrol, aniya pa.
Mula 1200H hanggang 2400H, Hulyo 31, 31 ang karagdagang naiulat na bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19, at 8 naman ang bagong asymptomatic coronavirus carriers.
Salin: Lito