|
||||||||
|
||
Isang Pilipina ang gagawaran ng pinakamataas na parangal sa seremonya ng pagtatapos ng Shanghai Jiao Tong University na gaganapin sa Agosto 9, 2020.
Si Clarissa Arganosa Cabral ay nakakuha ng 3.87 Grade Point Average, katumbas ng summa cum laude sa Pilipinas, sa kursong International Master of Business Administration ng Antai School of Economics and Management.
Dahil sa COVID-19 pandemic nananatili si Clarissa sa Pilipinas. Sa pamamagitan ng pre-taped video, ibabahagi niya ang kaniyang valedictory speech na mapapanood sa online commencement ceremonies.
Beauty in Uncertainty
Sa panayam ng China Media Group Filipino Service ibinahagi ni Clarissa ang mahahalagang punto ng kanyang graduation speech na pinamagatang "Beauty in Uncertainty."
Aniya, nabubuhay ngayon ang lahat sa panahong walang katiyakan. Ang lahat ay takot, nag-aalala at malungkot dahil sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.
Pero naniniwala siyang, "We shouldn't be focusing on all these negative emotions and find that there is beauty in uncertainty. Because during uncertainty we see opportunities, best versions of ourselves come out, people shine the brightest."
Dagdag niya, sa panahong walang katiyakan, may mga panganib at pabuya. Sa kabuuan, dapat hanapin ang positibong bagay sa gitna ng panahong ito at kunin ang pinakamabuti mula rito. "That way, we are very hopeful with what is to come after these uncertain times," saad ng 29 na taong gulang na kasalukuyang nagtatrabaho sa Business Intelligence Department ng Shopee Philippines.
Hinggil sa pag-graduate with honors, inalay niya ito sa kaniyang mga magulang, "I do this para sulit lahat ng paghihirap sa akin ng pamilya ko. Second, I've always wanted to bring glory and pride to the Filipinos. Finally, I've always wanted to make bawi because I didn't graduate with honors when I was younger. So this is like a way of proving myself that if they can do it, I can do it too."
Galaw ng negosyo sa Tsina, malalimang pinag-tuunan
Setyembre 2018, sinimulan ni Clarissa ang pag-aaral sa Shanghai Jiao Tong University.
Dahil sa mabilis na pag-unlad ng Tsina nitong nakalipas na 20 dekada, naging interesaddo siyang pag-aralan ang bansa.
Paliwanag niya, "Since I am in the field of business, in order to broaden my scope and my reach to be an effective business leader, it's good to learn more about different markets. And when I was making a decision where to study, the best way to learn about something, is to be part of it, to truly immerse."
Naniniwala rin siyang ang Antai School of Economics and Management ay magaling sa mga kursong may kinalaman sa Chinese Business Customs and Ethics. Ang programa, sa kabila ng pagiging internasyonal, ay malalimang nakatuon sa galaw ng kalakalan at pagnenegosyo sa Tsina.
Sa panahon ng pananatili sa Shanghai, naging mas malawak ang pang-unawa at mas humaba ang pasyensiya ni Clarissa.
Naging mas bukas din siya sa pagkakaiba ng mga kultura.
"My experience broadened my perspective that there are so much things to learn outside our comfort zone. Also, I learned to speak Chinese, which I think is a value add as well. Finally, I have learned so much about how business works in China, and how I can use this knowledge to supplement what I currently know," dagdag ng UP Diliman alumnae.
Nang tanungin hinggil sa kaniyang mga plano sa hinaharap ibinahagi ni Clarissa na gusto niyang pagbutihin ang kakayahan sa kasalukuyang trabaho at magkaroon ng mas maraming karanasan sa Strategy and Business Intelligence. Balak din niyang magbukas ng sariling negosyo.
Artikulo:Mac Ramos
Larawan: Clarissa
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |