Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FilTeach Guangzhou, paghahandaan ang Online Learning sa panahon ng "new normal"

(GMT+08:00) 2020-07-16 17:24:33       CRI

Mukhang matatagalan pa bago bumalik sa regular na klase ang mga eskwelahan sa buong mundo.

Sa Tsina pagkatapos ng Chinese New Year, ngayong taon, marami ang nagsimula ng online learning sa pamamagitan ng maraming kurso at mga aralin na alok ng pamahalaan, institusyong pang-edukasyon at tutoring centers.

Ang paglipat sa online na paraan ng pag-aaral ay naglalayong 'wag mapabayaan ang edukasyon ng mga kabataan. Upang 'wag masayang ang isang taon at hindi sila mapag-iwanan.

Ngunit karamihan sa mga tao na bahagi ng sektor ng edukasyon ay hindi handa sa pagbabagong ito. Nasa harap nila ang maraming hamon ng pagtuturo sa panahon ng pandemiya ng COVID-19. Sa isang banda alok din ng pandemiya ang natatanging pagkakataon para komprehensibong isulong ang digitalization at informatization ng pagtuturo.

Si Aileen Alfeche ay English teacher sa Guangzhou. 2007 sinimulan niya ang pagtuturo sa Tsina. Isa siya sa mga tagapagtatag ng Association of Filipino Teachers in Guangzhou (FilTeach) na binuo noong 2010. Sa kasalukuyan si Aileen ang Pangulo ng FilTeach na may higit 100 miyembro.

Panunumpa sa tungkulin ni Aileen Alfeche bilang bagong Pangulo ng FilTeach

Sa panayam ng China Media Group Filipino Service, sinabi si Teacher Aileen na hindi dapat tumitigil ang gurong matuto. Napakaraming dapat malaman kada taon sa larangan ng edukasyon.

Aniya, "We should (find) new ways of learning through the use of technology. We should innovate our way of teaching, so we should upgrade (ourselves) and adapt to the new normal."

Sa panahon ng pandemiya ng COVID-19 maraming mga guro ang nahirapan sa kanilang mga basic teaching needs gaya ng mabilis na koneksyon ng Internet, pribadong espasyo para gawin ang kanilang klase at ang pagkakaroon ng matinong computer. Naging problema rin ang paghahanda ng mga materyal para sa mga aralin at medyo nahirapan din ang iba na masanay sa paggamit ng mga online video conference applications.

Para matugunan ang naturang mga problema sa "new normal," isasagawa ng FilTeach ang isang webinar na may paksang "Exploring Technology Integration in the Classroom." Gaganapin ito sa Sabado, Hulyo 18, 2020 mula ala-una hanggang alas-tres ng hapon.

May apat na pokus ang webinar: English, Math, Drama at Technology.

Paliwanag ni Teacher Aileen, "Each speaker or presenter will focus on how technology is integrated in their lessons. This shows how technology helps students to achieve more in various subjects, by applying unique approaches and using frameworks to evaluate teaching and learning."

Ayon kay Teacher Aileen, mahirap magturo online. Sa karanasan niya, hindi sigurado kung ang estudyante ay nakikinig o hindi. Aniya, "As a teacher, you should prepare your lesson ahead of time and you should know how to use technology to be able to make your lesson more effective. It is not easy like face-to-face teaching because you need to catch the attention of your students."

2020 FilTeach Induction of Officers na ginanap sa Kunsalado Heneral ng Pilipinas sa Guangzhou

Sa darating na bagong academic year sa Tsina, Pilipinas at buong mundo, maaaring sarado pa rin ang maraming campuses. Kapalit nito, maaaring puno ang mga online classrooms. Kung magkakaganito, maituturing na isang blessing ang online education at ang paggamit ng cutting-edge technology para patuloy na magkaroon ng ugnayan ang mga guro at mag-aaral, magbigay suporta sa isa't-isa at panatilihin ang pagpapatalas ng talino't isipan sa gitna ng pinakamalubhang krisis pangkalusugan sa ating panahon.

Artikulo: Mac Ramos
Larawan: Aileen

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>