Buong tatag na tinututulan ng Tsina ang panggigipit ng Amerika sa mga high-tech na kumpanyang Tsino sa katwiran ng pangangalaga sa pambansang seguridad. Ipinahayag ito Agosto 6, 2020, sa regular na presscon sa Beijing ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ayon sa ulat, ipinahayag muli nitong Agosto 5, 2020, ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na nagsisikap ang Amerika sa paglilinis ng mga "untrustworthy" na application programs ng Tsina mula sa digital network ng Amerika, para pangalagaan ang seguridad ng Amerika. Hinggil dito, ipinahayag ni Wang na walang anumang makatwirang katibayan na susuporta sa mga aktibidad ng Amerika. Ang political manipulation na ito ay naglalayong pangalagaan ang sarili nitong katayuan ng monopolya ng sektor ng high-technology. Lumalabag ito sa prinsipyong pampamilihan at regulasyon ng pandaigdigang kalakalan, at nagbabanta sa kaligtasan ng industrial chain ng buong mundo.
Hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang iwasto nito ang kamalian, likhain ang malaya, bukas at ligtas na espasyo ng internet para sa dagidig, saad ni Wang.
Salin:Sarah