Sa isang panayam nitong Miyerkules, Agosto 5, 2020, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na walang intensyon at hindi kailaman manghihimasok ang Tsina sa pambansang halalan at suliraning panloob ng Amerika.
Sinabi ni Wang na dapat itakwil ng Amerika ang tangka nitong baguhin ang Tsina alinsunod sa sariling pangangailangan nito, itigil ang walang galang na panghihimasok sa mga suliraning panloob ng Tsina, at itigil ang bastos na pagpigil at pag-atake sa lehitimong karapatan at kapakanan ng Tsina.
Tinukoy pa niya na sa harap ng pinakamasalimuot na kalagayang Sino-Amerikano sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, kailangang linawin ng dalawang panig ang balangkas ng naturang relasyon sa mga aspektong tulad ng una, pagtiyak sa bottom line at pag-iwas sa komprontasyon; ikalawa, pagbukas ng tsanel at pagsasagawa ng matapat na diyalogo; ikatlo, pagtanggi sa paghihiwalay at pagpapanatili ng kooperasyon; at ikaapat, pagtatakwil sa zero-sum game at magkasamang pagsasabalikat ng responsibilidad.
Salin: Lito