Kasalukuyang natamo ang malaking progreso sa pagsubok at paggawa ng bakuna sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). 165 uri ng bakuna ang nasa bahagi ng pagsubok, 26 na uri nito ay nasa klinikal na pagsusubok, at pumasok na sa phase-III clinical trails ang 6 na uri na bakuna ng COVID-19, kung saan 3 sa mga ito ay galing sa Tsina. Kagila-gilalas ang bungang ito, saad ni Michael Ryan, Executive Director ng Health Emergencies Programme ng World Health Organization (WHO), sa regular na preskong idinaos Agosto 6, 2020 (local time) sa Geneva.
Ipinahayag din sa preskon ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO na kasabay ng pagpabilis ng pananaliksik sa bakuna, dapat igarantiya ang pantay-pantay na pagbabahagi nito, na naglalayong maaaring makuha rin ang bakuna ng mga tao na walang kakayahang magbayad nito. Pero, sinabi din niya na kailangan nito ang komong palagay ng buong mundo, na gawin ang bakuna bilang pampublikong produkto ng daigdig. Ito rin ay makakatulong sa pagbubukas at pagbangon ng kabuhayan ng daigdig.
Binigyan-diin din ni Tedros na ang siyensiya at pagkakaisa ay pinakamagandang direksyon sa paglaban sa COVID-19.
Salin:Sarah