Sa regular na news briefing nitong Huwebes, Hulyo 23, 2020, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), na natanggap ng WHO ang ulat ng mahigit 15 milyong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at halos 620,000 ang mga pumanaw.
Ayon sa real time data ng WHO, sa kasalukuyan, ang Amerika, Brazil at India ay nananatiling mga bansang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Ibinigay rin niya ang reaksyon sa walang batayang pagbatikos ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa WHO. Aniya, huwad at di-katanggap-tangkap ang pagbatikos ni Pompeo. Sa kasalukuyan, ang pinakamalaking bantang kinakarapan ng buong mundo ay pagsasapulitika ng pandemiya, at dapat iwasan ang ganitong aksyon.
Ipinagdiinan naman ni Michael J Ryan, Executive Director ng Health Emergencies Programme ng WHO, na kahit anong pagbatikos ang ibato sa WHO, patuloy na maglilingkod ang WHO sa mahinang sektor ng buong mundo.
Sinabi ni Maria van Kerkhove, Technical Lead ng Health Emergencies Programme ng WHO, na bilang isang Amerikano, magkakapit-bisig na nagpupunyagi siya, kasama ni Direktor Heneral Ghebreyesus, sapul nang sumiklab ang pandemiya. Aniya, ipinagmamalaki niyang maging miyembro ng WHO.
Salin: Vera