|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Linggo, Agosto 9, 2020 ng panig militar ng Lebanon na nagpapatuloy ang search ang rescue operations sa purok na pinangyarihan ng pagsabog sa Beirut Port, Lebanon.
Anito, matapos ang ilang araw na paghahanap, nagiging mas maliit ang posibilidad na makakahanap ng mga nakaligtas.
Nang araw ring iyon, nagbitiw sa tungkulin si Manal Abdel Samad, Ministro ng Impormasyon ng Lebanon, na naging unang ministro ng pamahalaan na nagbitiw sa tungkulin makaraang maganap ang pagsabog sa nasabing puwerto.
Pagkatapos nito, ipinadala rin ni Demianos Kattar, Ministro ng Kapaligiran ng Lebanon, ang kanyang pagbibitiw kay Punong Ministro Hassan Diab.
Samantala, sa pagtataguyod ng Pransya at United Nations (UN), idinaos ang virtual meeting tungkol sa pagbibigay-tulong ng daigdig sa Lebanon na nilahukan ng mga lider ng 15 bansa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |