Sinabi nitong Huwebes, Agosto 6, 2020 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na pagkaraang maganap ang malubhang pagsabog sa Beirut, kabisera ng Lebanon, nagpadala ng mensahe ng pakikidalamhati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Lebanese counterpart na si Michel Aoun. Aniya, ipagkakaloob ng peacekeeping medical team ng Tsina sa Lebanon, na may dalang materyal na medikal, ang saklolong medikal sa Beirut.
Dagdag ni Wang, batay sa pangangailangan ng panig Lebanese, patuloy na ipagkakaloob ng panig Tsino ang tulong sa abot ng makakaya, upang tulungan ang panig Lebanese na malampasan ang epektong dulot ng sakuna.
Salin: Vera