Sinabi nitong Linggo, Agosto 9, 2020 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay grabeng nakakaapekto sa pamumuhay ng 476 milyong katutubong mamamayan sa buong mundo. Aniya, dapat gamitin ng iba't ibang bansa ang lahat ng mga yaman, upang mabawasan ang epekto ng pandemiya sa kanila.
Tuwing Agosto 9 ay International Day of the World's Indigenous People.
Ang tema sa kasalukuyang taon ay pandemiya ng COVID-19 at resilience ng mga katutubong mamamayan.
Sa kanyang video speech nang araw ring iyon, sinabi ni Guterres, upang mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga katutubong mamamayan, dapat igarantiya ang paglakip sa kanila sa estratehiya ng pagharap sa pandemiya ng COVID-19 at pagpapanumbalik ng kabuhaya't lipunan.
Saad niya, sa mula't mula pa'y nagpupunyagi ang UN, upang ipatupad ang United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples (UNDRIP), at palakasin ang resilience ng mga katutubong mamamayan.
Salin: Vera