|
||||||||
|
||
Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay pinakamalakas na sandata ng komunidad ng daigdig laban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ang sinabi Agosto 12, 2020, ni Zhang Jun, Permanent Representative ng Tsina sa United Nations (UN), sa isang debatehan ng UN Security Council.
Nanawagan si Zhang sa lahat ng mga bansang may kaguluhan na isakatuparan, sa lalo madaling panahon ang apela para sa tigil-putikan ni Antonio Guterre, Pangkalahatang Kalihim ng UN.
Aniya pa, sa panahong ito, dapat lalong palakasin ang koordinasyon ng komunidad ng daigdig para tulungan ang mga bansang malubhang apektado ng COVID-19.
Tinukoy rin ni Zhang na sapul nang lumitaw ang COVID-19, aktibong isinasagawa ng Tsina ang pakikikooperasyon sa komunidad ng daigdig upang labanan ang pandemiya, at ipinagkakaloob hangga't maaari ang tulong sa mga nangangailangang bansa.
Kaugnay nito, kinansela ng Tsina ang walang-interes na utang ng mga kinauukulang bansang Aprikano hanggang sa katapusan ng 2020.
Sa hinaharap, ilalabas ng Tsina ang bakuna laban sa COVID-19, at ito ay isang pampublikong produktong pandaigdig na magbibigay ng ambag sa aktuwal na pagpapabuti ng pampublikong kalusugan sa mga umuunlad na bansa.
Aniya pa, sa ngayon, nakahanda ang Tsina na patuloy na ipagkaloob ang mga materyal na medikal sa mga bansang apektado ng pandemiya, ibahagi ang karanasan ng panggagamot, at ipadala ang mga propesyonal na grupong medikal sa mga nangangailangang bansa.
Salin: Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |