Mahigpit na kinondena ng mga tauhan mula sa iba't ibang sirkulo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang sangsyon ng Amerika sa mga opisyal ng sentral na pamahalaan ng Tsina at pamahalaan ng HKSAR.
Tinukoy nilang ang aksyon ng Amerika ay pagsasantabi sa pandaigdigang batas at prinsipyo ng relasyong pandaigdig.
Ito anila ay bastos na pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina, at pagpapakita ng hegemonya.
Buong tatag na sinusuportahan ng mga mamamayan ng Hong Kong ang kapasiyahan ng sentral na pamahalaang Tsino sa pagsasagawa ng sangsyon sa 11 Amerikanong mayroong di-kanais-nais na rekord sa isyung may kinalaman ng Hong Kong na kinabibilangan ni senador na si Marco Rubio at iba pa.
Salin:Sarah