Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lampas sa 20 milyon, naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mundo; landas ng paglaban sa pandemiya, napakahirap

(GMT+08:00) 2020-08-13 15:42:35       CRI

Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules, Agosto 12, 2020, lumampas na sa 20 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Samanatala, mahigit 730,000 naman ang mga pumanaw.

Nauna rito, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na ang pandemiya ng COVID-19 ay pambihirang krisis na pangkalusugan.

Aniya, ang pandemiyang ito ay hindi lamang may kinalaman sa buhay at pamumuhay ng mga mamamayan, kundi nakakaapekto rin sa iba't ibang aspektong gaya ng lipunan, kabuhayan at pulitika.

Batay sa tunguhin ng pandemiya, posibleng hindi na makabalik sa "old normal" ang daigdig sa hinaharap.

Ayon sa pagtasa ng Emergency Committee ng WHO, ang pandemiya ng COVID-19 ay nananatili pa ring public health emergency of international concern (PHEIC).

Ipinalalagay ng nasabing komite na tatagal nang mahabang panahon ang pandemiya.

Sa aspekto ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna, natamo kamakailan ng maraming bansa ang progreso.

Noong Agosto 11, inirehistro, sa kauna-unahang pagkakataon, ang bakunang gawa ng Rusya laban sa COVID-19.

Hanggang noong Agosto 10, may 28 uri ng kandidatong bakuna ang naiulat sa WHO, at ang mga ito ay sumasailalim sa clinical test.

Kabilang dito, 6 na uri ang pumasok sa phase 3 clinical trial: 3 mula sa Tsina, 1 mula sa Amerika, 1 mula sa Britanya, at 1 na magkakasamang idinebelop ng BioNTech ng Alemanya, Pfizer Pharmaceuticals Ltd. ng Amerika at iba pang organo.

Samantala, 139 na uri ng bakuna ang kasalukuyang nasa pre-clinical trial phase.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>