|
||||||||
|
||
Sa preskon nitong Linggo, Agosto 10, 2020, sinabi ni Michael Ryan, Executive Director ng Heath Emergencies Program ng World Health Organization (WHO) na magiging napakahirap ang paghahanap ng pinanggalingang hayop ng coronavirus.
Aniya, kahit lumitaw sa Wuhan, Tsina ang pinakamaagang clustering case ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dapat isagawa sa Wuhan ang epidemiological investigation.
Pero batay sa kanyang karanasan nitong nakalipas na 25 taon, ang Patient Zero ay hindi tiyak na nanggaling sa pinakamaagang clustering case.
Aniya, mas maagang lumitaw ang Patient Zero kaysa sa clustering case, pero posible itong lumitaw sa ibang lugar.
Nang araw ring iyon, sinabi naman ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO na sa linggong ito, aabot sa 20 milyon ang kabuuang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at aabot rin sa 750,000 ang bilang ng mga pumanaw.
Saad niya, kahit napakalaki ang kalungkutan at sakit sanhi ng datos, nangingibabaw pa rin ang kanyang pag-asa na matagumpay na mapupuksa ang pandemiya.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |