|
||||||||
|
||
Noong dekada 90, ang nayong Yu ng bayang Anji, probinsyang Zhejiang ng Tsina ay pinakamalawak na sonang pinanggagalingan ng limestone sa lokalidad, at dahil dito, grabeng nakontamina ang kapaligiran ng nayon.
Noong Agosto 15, 2005, naglakbay-suri si Xi Jinping, na noon ay puno ng Zhejiang, at iniharap ang ideya ng "malinaw na katubigan at berdeng kabundukan ay mahahalagang kayamanan," bagay na nakapagbigay ng isang maliwanag na landas tungo sa luntiang pag-unlad ng lugar.
Matapos ang 15 taon, ano na kaya ang kasalukuyang kalagayan ng nayong Yu?
Tunghayan sa video sa ibaba:
Nitong 15 taong nakalipas, dahil sa bentahe ng yamang kawayan, puspusang napaunlad ng nayong Yu ang ekolohikal na turismo at napatakbo ang mga proyektong panturistang gaya ng farmhouse, home stay, at pamamasyal sakay ng bangka.
Bunga nito, ang nayong Yu ay naging isang 4A-level scenic spot at demonstration county para sa komprehensibong konstruksyon ng may kaginhawang lipunan.
Ang pinakamalaking pagbabago sa Nayong Yu ay nagsisilbing isang modelo para sa iba pang mga nayong Tsino upang ipatupad ang ideya ng "malinaw na katubigan at berdeng kabundukan ay mahahalagang kayamanan."
Noon at ngayon ng Nayong Yu
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |