Ipinalabas nitong Sabado, Agosto 15, 2020 ng Ministring Panlabas ng Timog Korea ang komento sa kanyang opisyal na website bilang pagpapahayag ng lubos na kalungkutan at pagkabahala nito sa pagbibigay-galang nang araw ring iyon ng ilang miyembro ng Gabineteng Hapones sa Yasukuni Shrine.
Solemnang tinukoy ng pamahalaang Timog Koreano na dapat tumpak na pakitunguhin ng lider na Hapones ang kasaysayan, at dapat ding ipakita ang matapat na pagsisi nito sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon para maitatag ang mabuting relasyon ng Timog Korea at Hapon at makuha ang tiwala ng mga kapitbansa nito at komunidad ng daigdig.
Nitong Sabado ay ika-75 anibersaryo ng pagkabigo ng Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nang araw ring iyon, nagbigay-galang sa Yasukuni Shrine ang ilang miyembro ng gabineteng Hapones na kinabibilangan nina Koizumi Shinjiro, Ministro ng Kapaligiran, Hagiuda Koichi, Ministro ng Edukasyon, Kultura, Palakasan, Siyensiya't Tenolohiya, Takaichi Sanae, Ministro ng Suliraning Panloob, at iba pa.
Salin: Lito