|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng pahayagang "Morning Star" ng Britanya, sa isang panayam kamakailan, sinabi ni John Pilger, kilalang film producer ng Britanya, na dapat mag-ingat ang Britanya sa patakaran ng Amerika laban sa Tsina, at iwasang maging bansang nakasandal sa lakas ng Amerika.
Palagay ni Pilger, madalas na tinitira ng Amerika ang Tsina, dahil gusto nitong patuloy na panatilihin ang katayuan nito bilang tanging super power sa daigdig.
Tinukoy naman nitong Sabado, Agosto 15, 2020 ng ulat ng Yomiuri Shinbun ng Hapon na nagtatangka ang Amerika na hadlangan ang Tsina sa isyu ng South China Sea, at naghahanap ng kooperasyon sa mga kaukulang bansa. Pero ipinalalagay ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na ang priyoridad ngayon ay pagpapanumbalik ng mga aktibidad na pangkabuhaya't panlipunan na grabeng naapektuhan ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at dapat iwasan ang paglala ng relasyon sa Tsina.
Nitong nakalipas na ilang araw, sunud-sunod na nakipag-usap sa telepono si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa mga ministrong panlabas ng ilang bansang ASEAN. Umaasa siyang papanig sa Amerika ang mga bansang ASEAN sa isyu ng South China Sea.
Pero ayon sa ulat ng Pambansang Telebisyon ng Biyetnam, ang Biyetnam bilang kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng ASEAN, ay nagpahayag na ang pangunahing paksa ng pag-uusap ng regional group ay kung paanong harapin ang pandemiya ng COVID-19.
Anang ulat, nananatiling neutral o walang-kinakampihan ang mga bansang gaya ng Pilipinas at Biyetnam sa madalas na pagbatikos ng Amerika sa Tsina.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |