Magkasunod na niyanig Miyerkules ng umaga, Agosto 19, 2020 ang rehiyong pandagat sa dakong kanluran ng Lalawigang Bengkulu, Indonesia, ng 6.9 at 6.8 magnitude na lindol. Sa kasalukuyan, walang naiulat na kasuwalti at kapinsalaan sa ari-arian.
Pagkaganap ng naturang dalawang lindol, inirekord ng Meteorology and Geophysics Agency (BMKG) ng Indonesia ang bahagyang-lakas na pagyanig sa mga isla, bayan at lunsod na malapit sa epicenter.
Hindi naglabas ang BMKG ng tsunami warning kaugnay ng nasabing dalawang lindol, pero nangangamba itong may posibilidad na maganap ang aftershock sa paligid ng epicenter.
Salin: Vera