|
||||||||
|
||
Ang Abril 13, 2020 ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesia.
Sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Djauhari Oratmangun, Embahador ng Indonesia sa Tsina, na nitong nakalipas na ilang taon, bilang komprehensibo't estratehikong partner, naging malawak ang mga larangan ng kooperasyon, at lumitaw ang positibong tunguhin sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Nananalig aniya siyang uusbong ang mas marami pang growth point sa relasyon ng Indonesia at Tsina.
Saad ni Oratmangun, mula noong Enero hanggang Nobyembre ng 2019, 72.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Indonesia, at pinakamataas ito sa kasaysayan.
Nitong nakalipas na 8 taon, ang Tsina ay nanatiling pinakamalaking trade partner ng Indonesia, at umabot sa 18% ang karaniwang taunang bahagdan ng paglaki nito, aniya pa
Ayon sa pagtaya, hanggang taong 2025, aabot sa 230 hanggang 250 bilyong dolyares ang digital economy ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Kabilang dito, ang proporsyon ng kontribusyon ng Indonesia sa halagang nabanggit ay mahigit kalahati.
Posible ring ang Indonesia ang maging pangunahing bansa ng ASEAN sa larangan ng digital economy, aniya.
Tinaya ni Embahador Oratmangun na ang kooperasyon ng Tsina at Indonesia sa digital economy ay posibleng maging bagong makina ng paglago ng kabuhayan.
Diin pa niya, pasusulungin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, at Global Maritime Axis, at nilagdaan na ng dalawang pamahalaan ang memorandum of understanding (MoU) hinggil sa usaping ito.
Sa kasalukuyan, aktibong tinatalakay at itinatakda ng kapuwa panig ang mga dokumentong pangkooperasyon sa ilalim ng nasabing balangkas, dagdag niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |