Idinaos kamakailan ang Pulong ng Komisyon ng Talastasang Pangkalakalan ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) kung saan inulit ng iba't-ibang panig ang kanilang pagsang-ayong lagdan ang kasunduang ito sa nakatakdang panahon na taong 2020 at buong sikap na lutasin ang mga naiiwang problema.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Huwebes, Agosto 20, 2020 ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na patuloy na kakatigan ng Tsina ang namumunong papel ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Isusulong aniya ng Tsina ang paglalagda sa nasabing kasunduan sa loob ng kasalukuyang taon.
Salin: Lito