Sa isang news briefing na idinaos nitong Biyernes, Agosto 21, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, isinalaysay ng kaukulang namamahalang opisyal ng Ministri ng Patubig ng Tsina ang kalagayan ng paglutas sa problema ng kaligtasan ng inuming tubig sa kanayunan.
Sinabi niya na sapul noong taong 2006, pagkaraan ng puspusang pagsisikap ng iba't-ibang lugar ng bansa, napataas ng buong bansa ang lebel ng paggarantiya sa pagsuplay ng inuming tubig para sa 256 milyong populasyon sa kanayunan. Nalutas din aniya ang problema ng kaligtasan ng tubig-maiinom sa 17.1 milyong mahirap na populasyon. Ayon sa kasalukuyang pamantayan, komprehensibong nalutas na ang problemang ito, dagdag niya.
Salin: Lito