|
||||||||
|
||
Sa kanyang pagdalo sa Ika-3 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC) na idinaos sa Beijing Lunes, Agosto 24, 2020, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na dahil ginagamit ng 6 na bansa sa Ilog Mekng ang tubig mula sa isang ilog, ito ay ehemplo ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran.
Aniya, ang LMC ay umuunlad dahil sa tubig, kaya ang tubig ay hindi lamang mahalagang temang pangkooperasyon, kundi nakapagbibigay rin ng diwa para sa mapagkaibigang pakikipamuhayan at pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan.
Nitong mahigit 4 na taong nakalipas, puspusang isinusulong ng mga kaukulang bansa ang kooperasyon sa mekanismo ng yamang tubig, aniya pa.
Ipinagdiinan ni Li na dapat lubos na igalang ang lehitimong karapatan at kapakanan ng iba't-ibang bansa sa paggagalugad at paggamit ng yamang tubig.
Dapat din aniyang isaalang-alang ang kapakanan at pagkabahala ng isa't-isa.
Sa abot ng makakaya, nakahanda ang Tsina na magkaloob ng mas maraming tulong sa iba't-ibang bansa tungo sa mas mabuting paggamit ng yamang tubig, dagdag ni Li.
Sinabi pa ng premier Tsinong, mula kasalukuyang taon, ibabahagi ng Tsina sa mga bansa sa kahabaan ng Ilog Mekong ang hydrological information sa buong taon, at itatatag ang platapormang pangkooperasyon sa yamang tubig ng Ilog Lancang-Mekong para mas mabuting maharap ang pagbabago ng klima, baha at tagtuyot.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |