|
||||||||
|
||
"Enhancing Partnership for Shared Prosperity," ang tema ng Ika-3 Lancang-Mekong Cooperation (LMC) Leaders' Virtual Meeting na idinaos Agosto 24, 2020.
Ito ang ipinahayag ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya, sa kanyang panayam sa China Media Group (CMG).
Aniya pa, sapul nang itinatag ang mekanismo ng Lancang-Mekong Cooperation, palagian itong gumaganap ng mahalagang papel sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa rehiyon, pinaliliit nito ang agwat ng pag-unlad sa pagitan ng mga may-kinalamang bansa, malaking tulong sa pagtatatag ng komunidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at may mahalagang papel sa pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations (UN), saad ni Wang.
Sa usapin naman ng direksyon ng pag-unlad ng LMC sa hinaharap, ipinahayag ni Wang na tiyak na idudulot ng kooperasyon ang mas maraming aktuwal na kapakanan para sa mga mamamayan, ayon sa pangangailangan ng iba't ibang bansa.
Inaasahan din ni Wang na ang virtual meeting na ito ay magiging isa pang mahalagang milestone sa proseso ng LMC, at matatamo ang mas malaking bunga.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |