|
||||||||
|
||
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), hanggang 12:48H Central European Time, Agosto 23, 2020, umabot sa 23,057,288 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Kabilang dito, 800,906 ang mga pumanaw.
Ang Amerika ay nananatili pa ring bansang may pinakamaraming kumpirmadong kaso sa daigdig.
Samantala, hanggang Agosto 23, 2020, lumampas na sa 3 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India, at 56,706 ang mga pumanaw.
Nitong nakalipas na ilang araw, nanguna sa daigdig ang bilang ng mga bagong karagdagang kumpirmadong kaso sa India bawat araw, na mas malaki kaysa Amerika at Brazil.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |