Inilabas kahapon ng pamahalaan ng lalawigang Hainan sa katimugan ng Tsina ang dokumento sa kapwa wikang Tsino at Ingles tungkol sa mga patnubay sa pamumuhunan sa puwerto ng malayang kalakalan ng Hainan.
Ang pagtatatag ng malayang daungang pangkalakalan sa lalawigang Hainan ay mahalagang estratehikong kapasiyahan para pasulungin ang inobasyon at pag-unlad ng soyalismong may katangiang Tsino. Ito rin ay malaking pangyayari sa proseso ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina sa bagong panahon.
Sa ilalim ng sistema ng soyalismong may katangiang Tsino, ang malayang daungang pangkalakalan sa Hainan ay dapat makaabot sa mga pandaigdigang tuntuning pangkabuhayan at pangkalakalan sa mataas na lebel, makatulong sa malayang daloy ng mga elemento ng pagpoprodyus, at maging mataas sa kalidad at pamantayan.
Salin: Lito