Inilabas kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kautusan tungkol sa paggagawad ng gantimpala sa mga hurawang mamamayan na bahagi ng paglaban ng Tsina sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa kautusan, gagawaran ng Medalya ng Republika si Zhong Nanshan, kilalang eksperto sa respiratory disease na unang nagkumpirma ng pagkalat ng COVID-19 sa pagitan ng tao.
Ang pambansang titulong pandangal na "Bayani ng Mamamayan" ay ipagkakaloob naman sa 3 iba pa, na sina Zhang Boli, dalubhasa sa Traditional Chinese Medicine (TCM) na pinamunuan ang pananaliksik ng paraan ng paggamot ng COVID-19 sa pamamagitan ng pinagsamang TCM at medisinang kanluranin; Zhang Dingyu, puno ng Jinyintan Hospital sa Wuhan, espesyalista sa pagbibigay-lunas sa mga may-sakit ng COVID-19; at Chen Wei, siyentista sa medisina na nagbigay ng malaking ambag sa pagdedebelop ng bakuna laban sa COVID-19.
Salin: Lito