|
||||||||
|
||
Susuportahan ng Tsina ang mga kumpanya upang pangalagaan ang kanilang maktuwirang kapakanan sa pamamagitan ng lehitimong paraan. Isasagawa ng pamahalaang Tsino ang lahat ng kinakailangang hakbangin para tulungan ang mga naturang kumpanya.
Ipinahayag ito Agosto 24, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ayon sa ulat, ipinalabas Agsoto 22, 2020, ng TikTok na para pangalagaan ang sariling lehitimong karapatan, isusumite nito ang apela sa Amerika hinggil sa executive order ng pamahalaang Amerikano na nakatuon sa kumpanyang ByteDance, parent company ng TikTok.
Sinabi Agosto 21, ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika na ang executive order ng Amerika ay hindi nakatuon sa namamayagpag na kumpanyang Tsino. Ito ay nakatuon sa mga entities na nagbabanta sa pambansang seguridad ng Amerika.
Hinggil dito, ipinahayag ni Zhao na, ang totoong layon ng di-makatarungang aksyon ng ilang politikong Amerikano sa kumpanyang Tsino na tulad ng TikTok ay economic hegemony and bullying ng Amerika sa mga kumpanyang pag-aari ng dayuhan na nagtamo ng tagumpay sa ilang larangan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |