|
||||||||
|
||
Dahil sa kapakanang personal, ginagamit ng ilang Amerikano ang ban, pero sasadlak lamang ito sa kanilang pagbagsak sa sariling bitag.
Ito ang winika nitong Miyerkules, Agosto 12, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, bilang tugon sa isyu ng TikTok.
Nang sagutin ang tanong hinggil sa kung balak bang ilakip ng Tsina ang mga usapin ng TikTok at WeChat sa talastasan sa trade deal ng Tsina at Amerika, sinabi ni Zhao na ang TikTok ay isang plataporma para sa paglilibang, pagdidispley ng sariling talento, at pagpapalitan ng mga mamamayan sa iba't ibang bansa ng daigdig na kinabibilangan ng mga mamamayang Amerikano. Wala itong anumang kaugnayan sa pambansang seguridad.
Saad ni Zhao, dahil sa kawalan ng ebidensya, pinapalawak lamang ng ilang tao sa Amerika ang ideya ng pambansang seguridad, at walang katuwirang ginigipit ang mga di-Amerikanong kompanya.
Tunay na kahiya-hiya ang ganitong kilos, dagdag niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |