|
||||||||
|
||
Sa pamamagitan ng video link, idinaos nitong Lunes, Agosto 24, 2020 ang Ika-3 Pulong ng mga Lider ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC).
Sa kanyang talumpati sa pulong, iniharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga mungkahi sa 6 na aspektong kinabibilangan ng pagpapalakas ng kooperasyon sa yamang tubig, pagpapalawak ng kooperasyon ng kalakalan at konektibidad, pagpapalalim ng kooperasyon sa sustenableng pag-unlad, pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ng pamumuhay ng mga mamamayan, at pagpapatupad ng ideya ng pagbubukas at inklusibidad. Layon nitong aktibong makatulong sa maayos na pagharap ng mga bansa sa Ilog Lancang-Mekong sa mga panganib at hamon at maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Kalakip sa "Vientiane Declaration" na isinapubliko pagkatapos ng pulong, ang mga mungkahi ng panig Tsino. Idineklara ng mga kalahok na palalakasin ang kanilang partnership ng kooperasyong pampulitika at panseguridad, kooperasyon sa kabuhayan at sustenableng pag-unlad, pagpapalitang pangkultura at panlipunan, at mekanismo ng LMC.
Walang duda, binibigyang-kasiglahan nito ang pag-unlad ng kooperasyon ng mga bansa sa Ilog Lancang-Mekong sa hinaharap, at binibigyan din nito ng direksyon ang pagtatatag ng mas matibay na komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng nasabing mga bansa sa "post-pandemic era."
Ang LMC ay isang bagong sub-rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon na magkakasamang tinatalakay, itinatatag, at tinatamasa ng 6 na bansa sa Ilog Lancang-Mekong. Matapos ang mahigit 4 taong pag-unlad, nakuha ng mekanismong ito ang marami at matibay na bunga sa mga larangang gaya ng agrikultura, pagbabawas ng karalitaan, konstruksyon ng imprastruktura, at paggamit ng yamang tubig, bagay na nakakapagbigay ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |