Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chia Tai Group, laging optimistiko sa kabuhayang Tsino

(GMT+08:00) 2020-08-26 16:23:23       CRI

Ngayong araw, Agosto 26, 2020 ay ika-40 anibersaryo ng Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Shenzhen. Ang mga kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan ay hindi lamang nagsilbing saksi sa pagbabago ng Shenzhen mula isang maliit na nayon ng pangingisda hanggang ito'y maging malaking internasyonal na lunsod, kundi nakinabang din sila dito.

Ang Chia Tai Group ng Thailand, o tinatawag na Charoen Pokphand Group sa ibang rehiyon maliban sa Tsina, ay unang kompanyang dayuhan na pumasok sa Shenzhen.

Sa panayam ng China Central Television (CCTV) ng China Media Group (CMG), sinabi ni Yang Xiaoping, Senior Vice President ng Chia Tai Group at CEO ng China Region, na mula noong simula ng reporma at pagbubukas hanggang ngayon, laging optimistiko ang kanyang kompanya sa pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

Itinayo na ng Chia Tai Group ang mahigit 600 bahay-kalakal sa Tsina, at lumapas sa 120 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pamumuhunan nito.

Yang Xiaoping, Senior Vice President ng Chia Tai Group at CEO ng China Region

Nang mabanggit ang pananalita ng ilang politikong dayuhan hinggil sa umano'y panawagan ng pagkalas sa kabuhayang Tsino, saad ni Yang, di-maaaring baguhin ng tangkang pulitikal ng ilang politiko ang kalakarang ekonomiko. Aniya, napakalaki ng pamilihang Tsino, at susunod ang mga kompanya sa kalakarang ekonomiko.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>