|
||||||||
|
||
Ngayong araw, Agosto 26, 2020 ay ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng Espesyal na Sonang Ekonomiko ng Shenzhen.
Nitong nakalipas na 40 taon, ang Shenzhen ay umunlad bilang isang malaking modernong lunsod na may mahigit 10 milyong populasyon, mula sa isang maliit na nayong pangisda noong nakaraan. Sumaksi ito sa mga historikal na pagbabago ng Tsina na dulot ng reporma at pagbubukas.
Bilang unang espesyal na sonang ekonomiko ng Tsina, ang pag-unlad ng Shenzhen ay bunga ng talino't pagpupunyagi ng mga lider na Tsino sa ilang henerasyon.
Noong Disyembre 8, 2012, naglakbay-suri sa Shenzhen si Xi Jinping. Ito ang kanyang kauna-unahang paglalakbay-suri sa loob ng bansa, isang buwan pagkaraang manungkulan siya bilang Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa Lianhuashan Park ng Shenzhen, nagtanim ng isang Ficus altissima o council tree si Xi.
Saad ni Xi, pinili niya ang Shenzhen bilang destinasyon ng kanyang kauna-unahang paglalakbay-suri pagkaraang manungkulan, dahil dito nagsimula ang reporma at pagbubukas ng bansa. Gusto niyang sariwain ang prosesong pangkasaysayan ng reporma't pagbubukas, at patuloy na pasulungin ang reporma at pagbubukas.
Pagkatapos nito, nagsadya si Xi sa Zhuhai, Foshan at Guangzhou. Sa panahon ng biyaheng ito, paulit-ulit na binigyang-diin ni Xi na ang reporma at pagbubukas ay masusing hakbanging magpapasya ng kapalaran ng bansa.
Sa ika-3 sesyong plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng CPC na ginanap 10 buwan matapos ang naturang biyahe, inilunsad ng Tsina ang bagong round ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, at unti-unting isinagawa ang mahigit 300 item ng reporma.
Noong Oktubre ng 2018, sa bisperas ng ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas, muling naglakbay-suri sa Shenzhen si Xi, at muling ipinag-diinan niyang hindi humihinto ang pagpaptupad ng mga hakbanging ng Tsina sa reporma at pagbubukas.
Sa ilalim ng pagpaplano at pagpapasulong ni Xi, naging mas matibay ang hakbang ng Tsina sa reporma at pagbubukas: pagtatatag ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area, pagtatatag ng sona ng malayang kalakalan ng Hainan, komprehensibong pagpapatupad ng sistema ng negatibong listahan para sa market access, pagpapalawak ng kooperasyon ng Belt and Road at iba pa.
Higit sa lahat, sa pinakapangkagipitang yugto ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), inilunsad ng Tsina ang isang serye ng mga hakbangin sa reporma at pagbubukas na gaya ng pag-aalis ng limitasyon sa shareholding ratio ng puhunang dayuhan sa mga securities company.
Tulad ng sabi ni Xi, ang pagtatatag ng sosyalista, moderno't malakas na bansa, at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino ay isang karera na nilalahukan ng lahat. Dapat magpunyagi ang bawat henerasyon, upang likhain ang magandang kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |