|
||||||||
|
||
Nag-usap sa telepono nitong Lunes ng gabi, Agosto 31, 2020 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Haring Mohammed VI ng Morocco.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinaabot ni Xi ang taos-pusong pakikiramay at matatag na suporta sa pamahalaan at mga mamamayang Moroccan sa pakikibaka laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Xi na kasalukuyang patuloy ang pagkalat ng pandemiya ng COVID-19, at may napakahalagang papel ang bakuna para mapagtagumpayan ito ng sangkatauhan.
Ipinahayag ni Xi ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng Morocco para aktibong mapasulong ang kanilang kooperasyon sa larangan ng pagsubok-yari at produksyon ng bakuna.
Dagdag pa ni Xi, maraming beses niyang malinaw na ipinahayag na makaraang matagumpay na masubok-yari at gamitin ng Tsina ang bakuna, gagawing pampublikong produkto sa buong daigdig ito.
Ipinahayag naman ni Mohammed VI na salamat sa estratehikong kooperasyon nila ng Tsina, naisakatuparan ng Morocco ang mainam na pag-unlad nitong ilang taong nakalipas.
Aniya, buong tatag na kinakatigan ng kanyang bansa ang lehitimong posisyon ng panig Tsino sa pangangalaga sa nukleong kapakanan nito gaya ng soberanya at seguridad.
Pinasalamatan din niya ang ibinibigay na pagkatig ng Tsina sa pakikibaka ng Morocco laban sa epidemiya.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |