|
||||||||
|
||
Sapul nang sumiklab ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pinapabilis ng Tsina ang pananaliksik at pagdedebelop ng mga bakuna.
Nitong Linggo, Agosto 23, 2020, ipinahayag sa Beijing ng dalawang kompanyang Tsino na nagpoprodyus ng COVID-19 inactivated vaccine na sa kasalukuyan, pinapasulong nila ang phase 3 clinical trial ng mga bakuna, at may pag-asang papasok sa pamilihan ang mga bakuna sa katapusan ng taong ito.
Kaugnay nito, magkakasunod na sinimulan ang phase 3 clinical trial ng COVID-19 inactivated vaccine ng China National Biotec Group (CNBG) sa mga lugar na gaya ng United Arab Emirates (UAE), Peru, at Morocco.
Ipinagkaloob naman ng departamento ng pagsusuperbisa sa gamot ng Indonesia noong nagdaang Hulyo sa bakuna ng Sinovac Biotech Ltd. ang aprobasyon para sa clinical trial, at sinimulan ang phase 3 clinical trial sa Bandung, Jawa Barat ng Indonesia sa Agosto.
Nakatakda na ring simulan sa lalong madaling panahon ang phase 3 clinical trial nito sa Brazil.
Aktibo ring nakikilahok sa pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna ng COVID-19 ang mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa.
Hanggang noong Agosto 20, may 30 uri na ng kandidatong bakuna ang naiulat sa WHO, at ang mga ito ay sumasailalim sa clinical test.
Anim (6) na uri ang pumasok sa phase 3 clinical trial: 3 mula sa Tsina, 1 mula sa Amerika, 1 mula sa Britanya, at 1 na magkakasamang idinebelop ng BioNTech ng Alemanya, Pfizer Pharmaceuticals Ltd. ng Amerika at iba pang organo.
Samantala, 139 na uri ng bakuna ang kasalukuyang nasa pre-clinical trial phase.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |