Opisyal na ipinahayag nitong Martes, Setyembre 1, 2020 ng Komisyong Tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympic Games na ang Dongdao Creative Branding Group ay ang official brand design services exclusive supplier ng Olympic at Paralympic Winter Games Beijing sa taong 2022.
Hanggang sa kasalukuyan, may kasunduan na ang Komisyong Tagapag-organisa ng Beijing Winter Olympic Games sa 34 na sponsoring companies.
Tinukoy ng mga kaukulang personahe na sa kabuuan, ang mga gawain ng pag-aaral ng pamilihan ng Paralympic Winter Games ay hindi apektado ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Sa kabila ng epidemiya, nananatili pa ring maayos ang pagsasagawa ng mga may-kaugnayang gawain.
Salin: Lito