Hunyo 23 ay International Olympic Day. Ayon sa Tanggapan ng Winter Olympics ng State Grid Beijing Electric Power Company, mula unang araw ng Hulyo, 2019, magagamit na ng pitong Winter Olympic stadium sa Beijing na tulad ng National Stadium at National Aquatics Center, at mga instalasyong panserbisyo ang berdeng enerhiya ng koryente. Sa pormal na paligsahan ng Winter Olympics, maisasakatuparan naman ang 100% pagsuplay ng malinis na koryente sa mga stadium.
Ayon sa kaukulang namamahalang tauhan, ang paggamit ng berdeng enerhiya ng mga stadium ay hindi lamang nagsisilbing epektibong hakbangin sa pagsasakatuparan ng pangako sa proseso ng bidding, kundi maging kongkretong praktis ng Tsina sa pagpapasulong ng industriya ng malinis na enerhiya, at konstruksyon ng sibilisasyong ekolohikal ng bansa.
Salin: Li Feng